Friday, February 29, 2008

BIGONG INTERFAITH RALLY

Walang nangyari sa interfaith rally sa Makati. Inaasahan ko na ito. Sa totoo lang, sawa na ang Pilipino sa paglahok sa ganito. Wala rin naman kasi silang napapala.

Pinatalsik ang mga Marcos noong 1986. Pagkatapos si Erap noong 2001. Pero bakit hanggang ngayon, nariyan pa rin sila- maimpluwensya, makapangyarihan?

Ang gusto ng nakararaming Pilipino: katatagan sa pamunuan; katahamikan; at hanapbuhay. Bagamat mayroon silang opinyon sa mga kalagayang pampulitika sa bansa, hindi ibig sabihin ay makikiisa sila sa anumang pagkilos. Aksaya lang sa oras. Wala rin namang mapapala.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home